Tuesday, October 6, 2009



Wikang Filipino "Mula Baler hanggang Buong Pilipinas"


Ang isinsaad dito na ang ating wika ay hindi lamang sa pinagmulan nito, maging sa sulok ng ating bansa ay laganap ang ating pinakayayaman na wika. marapat lamang na ating pahalagahan ito at pagyamanin. sa aking opinyon, mas nararapat na ating iwaksi ang mga wikang banyaga sapagkat inilalayo tayo nito sa ating tunay na kayamanan. oo nga at magagamit natin ang mga ito sa ating pagtatrabaho at gayundin sa ibang bansa ngunit tila lumalala ang sakit na ito, dahil kahit na hindi kinakailangan ay ginagamit pa rin ito. lalo na ang mga kabataan na tulad ko. tila nasusugatan natin ang ama ng wikang pilipino. bagkus!!!!!! nakakatuwa pa rin isipin na buhay na buhay pa rin ito sa buong sulok ng pilipinas. siyanga!!!!!! kaya narapat lamang na atin pa itong gamitin at ipagmalaki!!!!!!!!!! lalo pa nating pagsikapang mga pilipino na maging mayabong pa tulad ng mga bulaklak na walang kasing bango!!! Ang tema ng buwan ng wikang pambansa ay hinango sa pinagmulan ng wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay nagsimula sa Bayan ng Baler, at dito rin ipinanganak ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na si Pangulong Mauel L. Quezon. Bilang pagkilala sa naging ambag ng Baler sa kasaysayan ng ating bansa, ang tema para sa Buwan ng Wikang Pambansa ay sadyang iniugnay ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pagdiriwang ngayong 2009 ng Ika-400 taon ng pagkakatatag ng nito.
by: Ella F. Armamento

No comments:

Post a Comment