Tuesday, October 6, 2009

Wikang Filipino: "Mula Baler hanggang Buong Pilipinas"

Bilang paunang salita, nais kong batiin ng magandang hapon lahat ng mga Pilipino at mga banyagang naririto na marahil ninanais o napilitan lamang pakinggan ang nais kong ipabatid sa inyong lahat. Marahil natatawa kayo sapagkat naririto ako sa inyong harapan, nagbubuka ng bibig at pilit kong pinalalaki ang mumunti kong tinig. Tunay, ako’y mag-aaral lamang at wala pa gaanong nalalaman, ngunit bukas di lang ang aking isipan kundi lalo na ang aking puso tungkol sa katotohanan. Katotohanang hindi matanggap ng kahit na sinuman.

Ilang taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang bala ng diktador ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong bansa.

Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at Africa. Iyon ang ating bansa, ang pinakamamahal nating Pilipinas. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan na isang rehiyong matatag; kung saan balota, at hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran ng mga partido.

          Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos
bilang mga halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan?
Sapagkat itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa Asya
na taglay lamang ang tapang, talino at kabayanihan.

Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin,
ngunit ito'y mahalaga pa rin.
Kailan
gang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang
mas karaniwang panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran –
sa pamamagitan ng
pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan.
Sapagkat ngayon,tila nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal at tapang.

Maari pang muling maging dakila ang bayang ito.
Paulit-ulit kong binabanggit ito. Ito ang aking pinaniniwalaan,
at ninanais ng
Poong Maykapal na tayo'y magtulungan upang isakatuparan ang ating panalangin.
Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling kasaysayan.
Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila.
Tangan ang lakas ng loob at kahusayan, kailangang isulat natin ang atin.

Pangarap natin ito. Sa pakikinig sa akin, inaako niyo ito. Samahan niyo ako!!!!!
By: Quennie Lou V. De Leon.

No comments:

Post a Comment