Tuesday, October 6, 2009
Ako po si Quennie Lou V. De Leon, Nakatira sa Paolbo Calabanga Camarines Sur. Ako ay ipinanganak noong ika-26,ng Enero taong 1997.Ang aking mga magulang ay sina Maria Luz V. De Leon at si Nilo B. De Leon.Kami po ay 4 na mag kakapatid at ako lang po ang nag iisang babae sa aming mag kakapatid.Ako ay labing dalawang taong gulang pa lamang.Ang paborito kong pagkain ay FrenchFries at Spaghetti,Ang paborito ko namang kulay ay Asul At ang paborito kong guro ay si Ginoong Leo B. Ricafrente.Ako ay nag kompil noong ako ay nasa ika-anim na baitang pa lamang.Ang aking mga matatalik na kaibigan ay sina Ciara,Joanne,Jamina at si Kris.Ako ay nag-aaral sa Dominican School of Calabanga Camarines Sur.Ang paborito kong "cartoon character"ay sina Tom and Jerry.Ang aming guro ay si Bb. Marife Manacob.Itinutuiring ako ng aking mga kaklase bilang palabiro,masayahin,palakaibigan,mapagmahal,at nirerespeto ang aking mga magulang......
Ako po si Ella F. Armamento nakatira ako sa Bonot, Sta. Rosa Calabanga Camarines Sur.Ako ay ipinanganak noong ika-13 ng oktubre 1996,sa Paolbo Cal. Cam,Sur.Ang aking mga magulang ay sina Segundina F. Armamento at Numeriano B. Armamento.Ako ay labing dalawang taong gulang.Sa aking paglaki gusto ko maging doktor.Dahil gusto kong gamutin ang mga tao sa mundo.Ako ay nag-aaral sa Dominican School of Calabanga.Ang aming guro sa first year(sir dae ko po aram ang tagalog) ay si Bb. Marife Manacob.Ang paborito kong pagkain ay friedchicken,ang paborito kong kulay ay pula,ang paborito kong guro ay si Ginoong Leo B. Ricafrente,kasi siya ay mabait,mapagbigay ng kanyang nalalaman,at palabiro.Itinuturing ako ng aking mga kaklase bilang masayahin,palabiro,matalino(konti),at matulungin.
Ang Signos ay isang pelikula kung saan ito ay pinagbibidahan ni Chx Alcala at Luis Alandi.
Si Luis Alandi ay isang batang architect na nangangalang Louie asawa niya si Nancy.Siya ay nakatira sa Maynila pero ang kanyang ama ay nasa probinsya nila.
Isang araw habang nag aayos si Louie papuntang trabaho may natanggap siyang isang mensahe galing sa kanyang probinsya na ng kanyang ama na si Ulding ay inatake sa puso.Siya ay nagmamadali at dinala ang kanyang kotse papunta sa kanilang bahay sa kanilang probinsya.Pagdating niya sa kanilang probinsya may nakasalubong syang apat na kabaong at lalaking nagtotroso.Pagdating n'ya sa kanilang bahay ay walang tao,Yun pala nagsimba ang kanyang ama kasama ang dati nilang kapitbahay na nganyon pala ay asawa na ng tatay Ulding niya.Ang pangalan ng dating kapitbahay nila ay Cora at may anak na itong dalawa na si Bugoy at Nini.Ang kanilang bahay aay tumatanggap ng bisita.At mayroon silang isang bisita na ang pangalan ay Mureen.At naisipan ni Louie na pumuntang sementeryo para dalawin ang puntod ng kanyang nanay kasama si Bugoy.Pagdating nila doon may biglang lumabas na isang ulo sa may malapit sa puntod ng nanay n'ya at nabigla si Louie nang magtagal nakita ni Louie si Mureen na hinukay yung ulo na nakita n'ya at kahit putikan na ito hindi pa rin ito tumitigil sa paghuhukay nito.At sa paguwi nila nagluto ang Tatay Ulding nila ng masarap na pagkain para sa kanilang lahat pati na rin doon sa bisita nila na si Mureen.Tapos na silang kumain at si nanay Cora ay pumunta sa kwarto ni Mureen para dalhin yung pagkain kumatok si Cora pero walang sumasagot at ng pumasok na si Cora nakita niya ang higaan ni Mureen na punong-puno ng putik.At nakiata niya rin si Mureen malapit sa may labas ng kanyang kwarto.At umiiyak ito dahil palagi niya na lang na aalala ang kanyang kasintahan na namatay na. At nang nakita ni cora si mureen ay nilapitan niya ito pero ayaw ni mureen kaya iniwan na lang ni cora ang pagkain sa mesa at lumabas na siya. Nang lumabas na siya sa silid ni Mureen ay nakasimangot siya at tinanonng ng kanyang asawa at ng kanyang mga anak kung kumain na ba si Mureen. Pero hindi ito sinagot ni Cora dahil nalulungkot din siya para ki Mureen dahil nangyari din ito sakanya nawalan din siya ng asawa. At pumunta si Louie sa bahay ng deati niyang kasintahan para sana bisitahin ito ngunit pagdating niya doon ay nakita niya ang dati nilang matalik na kaibigan at tinanong niya kung nasaan ang dati niyang kasintahan pero hindi ito nakakasagot dahil pala patay na ang dati ni Louieng kasintahan, at nak burol ito sa loob ng bahay nilang mag-asawa at may isa pang hindi alam si Louie na mag-asawa na ang dati niyang kasintahan at angdati niyang matalik na kaibigan.At nang pumasok na si Louie sa bahay ng matalik niyang kaibigan ay nakita niya ang dati niyang kasintahan at mayroong nakalagay ditong mga maliliit na sisiw at may nakalagay din ditong mga butil ng bigas. At muli na ring nag paalam si Louie dahil gusto niya nang umuwi.At bigla na lang nilang nabalitaan na patay na pala si Mureen. At sunod na binibiktima ay si Louie ngunit hindi si Louie namamatay. At ang sunod na biniktima ay ang uwak nina Nini at ni Bugoy nang bigla na lang narinig ni cora ang iyak ni Nini. At ang sunod na biniktima ay ang tatay nila na si tatay Ulding.At sinunod ang matalik niyang kaibigan na nakahawak ng baril ng mamatay. Hanggang sinunod ang batang walang kaalaalam. At si Bugoy na nag ihi lamang sa isang punoa t nakita niya ang kanyang sarili sa taas ng puno na naka tiwarik. At yun hindi niya alam na wala na pala siyang uuwian dahil pataya na lahat ng kapamilya niya. At bago mamatay si Cora ay nakita muna ni Ulding at ni Louie si Cora na naglalagay ng dugo sa paligid ng kanilang bahay at ito raw ang pangitain ng kanyang mga pamilya.At nang p[apa uwi na siya ay hindi niya mapigilan ang sarili na makita ang kanyang pamilyang nah hihirap at matroong nag hahabol sakanyang mag patay na tao. Pero ang ginawa ni Bugoy sa kanya ay tinulungan siya para matanggal ang kotse sa bato.
At naibalita na lang sa radyo ng papauwi na siya sa Maynila at ng nasa dsanan pa lamang siya ay binuksan niya ang radyo at tamangtama ang balita ay tungkol sa landslide sa kanilang bayan na ang nakaligtas lamang ay siya. At ng tumingin siya sa likod nakita niya ang camerana palaging dala ni Mureen at nakita niya ang mga pictures doon.
by: Quennie Lou V. De Leon.
Ang sabi sa akin ng aking ina
Ako ay galing sa sinapupunan niya;
Sa bahay-bata niya kanya akong dala-dala
Siyam na buwang singkad kanya akong inalala...
Nang ako’y magkaisip aking nasilayan
Kung paanong mga anak kanyang alagaan;
Sa langaw at lamok ‘di hahayaang madapuan
Babantayan niya paglalaro mo sa lansangan...
Bago ka mag-aral tuturuan ka niya
Sisimulan sa tama gamit yaong "Abakada";
Hindi ka niya kukurutin o kaya’y babatukan
Ni luluhod sa asin o didipa sa harapan...
Ang pagluluto niya ay ubod ng sarap
Piniritong bangus, sinigang na apahap;
Bulanglang na gulay, pinangat na sapsap
Adobo, mechado, afritada, at maski-pap...
Sa pananamit ay kanya kang iyaayos
Plantsadong mga damit, malilinis na sapatos;
Mamahaling medyas sa iyo’y kanyang isusuot
Nang ang mga paa mo ay hindi magkapaltos...
Kahit nang magbinata ang anak niyang mahal
Walang tigil ang pagpayo upang ‘di mapahamak;
Sabi n’ya, "Sa ‘yong sinta’y ‘wag lubos na magmahal,
at baka mabigo ka, puso mo ay mawasak!"
Kapag sumapit na ang anak sa graduation
Ang ina niyang mahal ay full of appreciation;
"Anak, ang galing mo, you did it, please go on"
Siya ay nagsisilbing palaging inspirasyon...
Kahit mga anak niya ay mag-asawa na
Naroon pa ring sumusubaybay sa kanila;
Sukdulang tumulong galing sa kanyang bulsa
Huwag lang maghirap ka sa pagpapamilya...
Ang aking masasabi ay iisa lamang
Gaano man kalaki natamong katagumpayan;
Sa likod ng anak ay may isang kaakbay
Walang iba kundi ang mahal niyang Nanay!
Mabuhay ang lahat ng Nanay!
O Aning ng Imus, ganda mo'y kay ningning,
Kaaya-aya ang iyong mukha sa aking paningin,
Maninipis mong labi, may ngiting anong lambing,
Nangungusap mong mata'y gaya ng isang bituin!
Ang katulad mo ay isang bukang-liwayway,
Na mababanaag ang pagsungaw ng araw,
May huni ng mga ibon, tila nag-aawitan,
Na ang paligid ay luntiang halamanan!
Ang iyong halimuyak ay sariwang bulaklak,
Sampaguita, rosal, kamiya, lila't rosas,
Nakakapatid-uhaw ang ngiti mo't halakhak,
Hindi man lang mamalayan ang pagdaan ng oras...
Salita sa iyong bibig animo ay musika,
May angking karunungang kahali-halina,
Mutya ng Imus, tunay ang iyong ganda,
Karangalan ang ikaw ay aking nakilala!
Wikang Filipino: "Mula Baler hanggang Buong Pilipinas"
Bilang paunang salita, nais kong batiin ng magandang hapon lahat ng mga Pilipino at mga banyagang naririto na marahil ninanais o napilitan lamang pakinggan ang nais kong ipabatid sa inyong lahat. Marahil natatawa kayo sapagkat naririto ako sa inyong harapan, nagbubuka ng bibig at pilit kong pinalalaki ang mumunti kong tinig. Tunay, ako’y mag-aaral lamang at wala pa gaanong nalalaman, ngunit bukas di lang ang aking isipan kundi lalo na ang aking puso tungkol sa katotohanan. Katotohanang hindi matanggap ng kahit na sinuman.
Ilang taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang bala ng diktador ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong bansa.
Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at Africa. Iyon ang ating bansa, ang pinakamamahal nating Pilipinas. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan na isang rehiyong matatag; kung saan balota, at hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran ng mga partido.
Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos
bilang mga halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan?
Sapagkat itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa Asya
na taglay lamang ang tapang, talino at kabayanihan.
Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin,
ngunit ito'y mahalaga pa rin.
Kailangang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang
mas karaniwang panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran –
sa pamamagitan ngpagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan.
Sapagkat ngayon,tila nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal at tapang.
Maari pang muling maging dakila ang bayang ito.
Paulit-ulit kong binabanggit ito. Ito ang aking pinaniniwalaan,
at ninanais ngPoong Maykapal na tayo'y magtulungan upang isakatuparan ang ating panalangin.
Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling kasaysayan.
Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila.
Tangan ang lakas ng loob at kahusayan, kailangang isulat natin ang atin.
Pangarap natin ito. Sa pakikinig sa akin, inaako niyo ito. Samahan niyo ako!!!!!
By: Quennie Lou V. De Leon.